" ANG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN"
" Lahat ng BAGO naluluma, ang TAO tumatanda, ang GANDA ay
kumukupas.Pero ang HALAGA ng tunay at matagal na kaibigan ay hindi
nagbabago".
" Kahit gaano kapa kasama. may iilang tao parin na kaya kang tingnan sa
mabuting paraan, ang tawag sa kanila. TUNAY NA KAIBIGAN".
"Lahat ng magkakaibigan ay NAGTUTULUNGAN kahit gaano man kabigat at
gaano man kahirap itoy malalampasan".
"Sa puso at diwa, at pumapatak ang luha kapag nagkakasakitan ng loob pero sa huli tayo pa rin ay magkakasundo. kahit tayo ay nagkakaiba ng destrito, kahit ang ating mga tahanan ay sampung kilometro ang layo! tayo parin ay nagkakasama-sama at yan ang kahulugan ng tunay
pagkakaibigan".
K - kaberks, katropa, kabakarda, karamay, kasangga, kapamilya, kapuso
A - Andiyan hindi lang sa oras ng kasiyahan kundi pati na rin sa oras ng kalungkutan.
I - Isang nilalang na dapat bigyan ng kahalagahan.
B - Bigay ng maykapal.
I - Iniingatan at minamahal
G - Gabay saan mang landas patungo.
A - Aakay sa iyo sa oras na ikaw ay mahina.
N - Nagsisilbing takbuhan sa anumang oras ng pangangailangan.
I - Isang nilalang na dapat bigyan ng kahalagahan.
B - Bigay ng maykapal.
I - Iniingatan at minamahal
G - Gabay saan mang landas patungo.
A - Aakay sa iyo sa oras na ikaw ay mahina.
N - Nagsisilbing takbuhan sa anumang oras ng pangangailangan.
Ang tunay na kaibigan
Ay hindi naglilimutan
At hindi ka nila kayang iwanan
Sa oras na sila ay iyong kailangan at
handa kang tulungan kapag ikay nahihirapan.
" Ang tunay na kaibigan ay mahirap hanapin, mahirap
iwanan at IMPOSIBLENG MAKALIMUTAN."
Kay gandang ala-ala
Na ikaw ay lagi kong kasama
Sa lungkot o tawanan
Na kay sarap balik-balikan
Sanay lagi kitang kasama
Kahit saan man ako magpunta
Walang iwanan
Magpakailan paman.
Pagkakaibigang putulin man ng panahon
Sa mga nagdaan na mga taonBasta may nabuong panahon
Na magkasama tayo sa lahat ng pagkakataon
At kung sakali na tayo ay magkita mang muli
kayo'y aking yayakapin
At aking sasabihin
yan ang aking mga kaibigang masayahin


Tunay na magkaibigan,
Puno ng pagmamahalan at pagrerespetuhan,
Pagdadamayan at pag-uunawaan
sa bawat problema at kasiyahan.
Sa lahat ng oras na tayo'y magkasama,
Ang ating mundo'y nababalutan ng saya,
Na sa atin ay lalong nagpalapit,
Maging sa pagkakaibigang di maiwawaglit.
Sa mga problemang aking nararanasan,
Ako'y laging tinutulungan,
Salamat aking kaibigan,
Sa mga tulong at payo nyo.
Lahat ng alaalang ating pinagsaluhan,
Ito'y laging nakaukit sa aking isipan,
Kahit na tayo'y magkalayo,
Ang mga alaala ng ating kahapo'y di maglalaho.
"TUESDAY GROUP"
GRADE 11- GAS B
KOMUNIKASYON SA PAGPAPAKATAO
MR. ARIEL VICTORINO
MEMBERS:
RUBY MAE MIJOS
MARK ANTHONY AGBISIT
MARK MONTEALTO
RACHEL SAPOIS
ANGELICA URSAL
CERLENE GONZALES
"PAGKAKAIBIGAN"
.


















Walang komento:
Mag-post ng isang Komento